Wednesday, 20 April 2005

Kagila-gilalas ang mga pangyayari...


Kung minsan nagsampalan ang mga aparador sa
kadahilanang nakipagbarkada ang mga gumamela sa mga mikrobio na
nanggaling sa bunganga ng usa. Kaya tuloy naghimagsik ang mga aparato
ni pasyong unano...


Samantala ang mga pugita ng karagatan ay sumisigaw
"tama na! tama na!" sa patuloy na pangungulangot ng mga bata sa ilalim
ng lamesa. At sa bansang griego naman, naglundagan ang mga kalamansi
dahil ang magaswang tinidor at kutsara ay nagkakagulo dahil sa
pagkamangmang ng mga alambre.


Kasi naman, ang mga malalaking langgam ang
nagsisilbing pangbayad sa edukasyon. Pati nga si Elsang Kalesa ay
nagreklamo sa pgkawala ng kanyang baul na puro kabibe.


Ang sarap kung minsan maniwala sa mga paniniwala ng
kumbulsyon ng tiyan. Kasi naman si Pareng Bituka ay ayaw man lang
tumigil sa pagsipsip ng sustansya.


Kabaliktaran naman ang mga kasinungalingan ng mga impaktong mga Knorr cubes na yan kasi niloko nila ang mga balahibo ng semento.


No comments:

Post a Comment